Ang Ating MUNDO

 Paano at kailan ba nagsimula ang mundo?

 Ano ang hugis at laki nito?

 May mga bahagi ba ang mundo?

Ito ay ilan lang sa mga tanong na sinasagot sa pag – aaral ng heograpiya.

Ano ba ang heograpiya?

 Ang heograpiya ay isang agham sa pag-aaral sa mundo.

 Ito ay galing sa salitang Griyego na GEO na ang ibig sabihin ay “mundo” at “GRAPHIA” na nangangahulugang “larawan”.

 Ang heograpiya ay paglalarawan sa pisikal na katangian ng daigdig, maging sa mga tao, halaman at hayop na nabubuhay rito.

 Pinag – aaralan din sa heograpiya ang lokasyon at laki ng iba’t ibang bansa, kasama na ang klima at uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira rito.

Bakit kainlangang mag – aral ng heograpiya?

 Mahalagang pag – aralan ang heograpiya upang makalikom ng mga kaalaman tungkol sa mundong ating ginagalawan. Ito ang magtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundo at kung paano ito mapapangalagaan.

Ang Ating Mundo

“Isang planeta lang sa buong kalawakan, ang maari nating tirahan; Kaya’t ang mundo, aking kaibigan, iyong mahalin at pangalagaan.”

 Dito tayo nakatira.

 Ito rin ang tirahan ng mga hayopat halaman.

 Ang ating mundo ay isa lamang sa mga planeta sa solar system.

 Ang mundo ay tinatawag ding daigdig. Malliit ang ating mundo kung ikumpara ito sa iba, subalit ito ang tanging planetang matitirhan ng tao.

 Maliban sa tao, lahat ng hayop at halaman na makikita sa paligid ay bahagi rin ng ating mundo. Maraming bansa at anyong – tubig ang bumubuo

Ang hugis ng Mundo

 Noong unang panahon ay kaunti lang ang kaalaman ng tao tungkol sa mundo. Inakala nila na ang mundo ay isang malaking patag. Dahil sa paniniwalang ito, kaunti lang ang mga taong naglalayag sa dagat dahil sa takot na baka mahulog sa kalawakan ang kanilang barko.

Ferdinand Magellan

 Isang bihasang nabiganteng Portuges, ay isa sa mga unang manlalakbay na nagpatunay na ang mundo ay bilog.

 Naniwala siya na mararating ang Silangan (Asya) sa pamamagitan ng paglalayag mula sa Kanuluran (Europa).

 Lumapit siya sa hari ng Portugal at inilahad ang kanyang paniniwala ngunit hindi pinansin ito ng hari kaya nagtungo siya sa hari ng Espanya.

 Nagkainteres ang hari kaya’t noong 1519, naglayag siya kasama ang 350 na tauhan sakay sa limang barko patungo sa Spice Islands sa Silangan.

Bahagi ng Mundo

 Ang mundo ay binubuo ng lupa at tubig. Higit na mas malaki ang bahaging tubig kung ikukumpara sa bahaging lupa. Halos tatlong kapat (3/4) ng mundo ay tubig at sangkapat (1/4) lamang ang lupa.

Bahaging Tubig

 Ang bahaging tubig ng mundo ay binubuo ng mga

– Karagatan

– Dagat

– Ilog

– Lawa

– Look

– Golpo

– Kipot at iba pang anyong tubig

 Ang karagatan ang pinakamalaking anyong tubig na bumubuo sa mundo. Mayroon tayong limang karagatan.

– Karagatang Pasipiko

– Karagatang Atlantika

– Karatagang Indian

– Karagatang Arktiko

– Karagatang Antarktiko

Bahaging Lupa

 Binubuo naman ng mga masang lupa at maliliit at malalaking pulo ang bahaging lupa ang ating mundo.

 Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masang lupa. May pitong kontinente ang mundo:

 Asya

 Aprika

 Europa

 Australia

 Antartika

 Hilagang Amerika

 Timog Amerika

 Pulo ang tawag sa maliit na bahagi ng lupa na napapaligiran ng tubig. Ang ibabaw ng mga kontinente at pulo ay binubuo naman ng iba’t ibang anyong lupa tulad ng bulubundukin, bundok, bulkan, burol, kapatagan, lambak, talampas, tangway at iba pa.

Tandaan Natin

 Ang mundo o daigdig ay tahanan ng lahat ng tao, halaman, at hayop. Ang korte nito’y oblate speroid.

 Higit na malaki ang bahaging tubig kaysa bahaging lupa sa mundo.

 Ang bahaging tubig ay binubuo ng mga karagatan, dagat, ilog, lawa, look, golpo, kipot at iba pang anyong tubig.

 Ang bahaging lupa ay binubuo naman ng mga kontinente at pulo kung saan makikita ang bundok, kapatagan, bulkan, lambak, talampas at iba pang anyong lupa.

Paano mo maaalagaan ang ating mundo?

About these ads

8 Comments

  1. mark said,

    June 8, 2009 at 1:56 pm

    mali spelling ng bundok mo

  2. cezar said,

    June 11, 2009 at 10:50 am

    thanks for the ideas thank you agani

    • aqdegamon said,

      June 16, 2009 at 1:27 am

      you are welcome!

  3. eryhkavillaruel said,

    June 14, 2009 at 12:34 am

    thnks for the information…

    • aqdegamon said,

      June 16, 2009 at 1:24 am

      your Welcome!

  4. aldiomz said,

    October 12, 2009 at 10:53 am

    ….

    xalamat…

    project to namin..!!

    • aqdegamon said,

      November 13, 2009 at 10:25 am

      you’re welcome…its good to hear that i could somehow help somebody. :)

  5. aqdegamon said,

    November 13, 2009 at 10:26 am

    you’re welcome!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: