Ugnayan ng mga Sinaunang Pilipino at mga Dayuhan

Ugnayang Pilipino at Orang Dampuan

• Sa pagitan ng mga taong 900 at 1200 AD, may isang pangkat ng mga dayuhang dumanting sa Pilipinas. Ang pangkat ay tinawag na Orang Dampuan o ang mga taong galing sa Champa. Ang Champa nasa Timog Annam na ngayon ay kilala sa tawag na Vietnam.

• Mahuhusay silang mandaragat. Nagtatag sila ng pook – kalakalan sa Sulu. Ang mga sentonrg ito ng kalakalan ang naging daan ng mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga taga – Sulu na tnatawag na Buranun at mga tao mula sa Timog Annam.

Ugnayang Pilipino at Tsino

• Nagsimula ito noong 960 AD. Dumating sa bansa ang mga Tsino dala ang mga sari – saring paninda tulad ng lata, porselana, bakal, karayom, seda at tingga.

• Ipinagpalit ng mga Tsino ang kanilang mga kalakal sa mga produkto ng mga katutubong mangangalakal sa iba’t ibang pulo.

• Ang mga produkto ng mga sinaunang Pilipino ay bulak, ginto, perlas, sibuyas, banig at kakaw.

• BARTER ang tawag sa sistema ng kalakalan noong sinaunang panahon.

• Paglipas ng panaho, ang mga mangangalakal na Tsino ay nagtayo ng kanilang pamayanan sa mga baybayin ng kapuluan. Ang iba ay hindi na nagbalik sa China at tuluyang nanirahan at nakapag-asawa sila ng babaing katutubo. Dahil dito, nagsimulang mahaluan ng kulturang Tsino ang kulturang Pilipino. Natuto ang mga Pilipino sa paggamit ng porselan, payong, pilak at ang paggawa ng pulbura.

• Ang camisa de chino at maluwang na salawal ng mga babaing muslim ay impluwensya rin ng mga Tsino.

• May mga salita ring galing sa mga Tsino tulad ng pansit, mangkok, susi, gusi, tinghoy aty siyanse.

• May mga kaugalian din ang mga Pilipino na impluwensya ng mga Tsino. Ilan sa mga ito ang paggalang sa matatanda, pagbubuklod ng pamilya, pagsamba sa kaluluwa ng mga ninuno, pagkaroon ng tagapamagitan sa pamamanhikan at pakikipagkasundo ng mga anak upang makapag-asawa.

• May mga pagkaing Tsino na natutuhag kainin ng mga Pilipino tulad ng pansit, lugaw, siopao, siomai, kikiam, ampaw at iba pa.

Ugnayang Pilipino at Arabe

• Masigla ang naging kalakalan ng mga Tsino at mga Arabe nang buksan ang Canton sa dayuhang kalakal. Subalit noong ikasiyam na dantaon, ipanagbawal ng Dinastiyang Tang ang pagpasok ng mga Arabe sa kanilang bansa. Dahil dito, napilitang maghanap ng ibang ruta ang mga Arabe hanggang sa matagpuan nila ang Kalah sa Malaysia.

• Ayon kay Ceasar Majul, dalubhasa sa kasaysayan ng Islam sa Pilipinas, may tala ang mga Tsino na nagpapatunay na nakarating na ang mga Arabe sa China noon ika – 10 dantaon mula sa ilang pulo sa Pilipinas.

• Hindi lang ang mga mangangalakal ang dumating sa Pilipinas, dumating din ang mga misyonaryong Arabe upang ipalaganap ang Islam. Unang dumating si Karim al-Mukdum. Pormal niyang ipinahayag ang mga aral ng Islam noong 1380.

• Dumating din si Rajah Baguinda noong 1390. tinuruan niya ang mga katutubo ng mga aral ng Islam. Sinundan ito ni Abu Bakr noong 1450. Isang iskolar na Muslim si Abu Bakr. Siya ang nagpatuloy ng pagpapalaganap ng Islam sa Sulu at sa karatig na mga pulo.

• Higit na napadali ang pagpapalaganap ng Islam nang pagsama-samahin ang mga barangay na tumanggap nito at nang itatag ang pamahalaang Sultanato. Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng isang SULTAN. Si Abu bakr ang kauna – unahang sultan ng Sulu.

Limang Pangunahing Tungkulin ng mga Muslim

1. Paniniwala kay Allah bilang nag-iisa at tanging Panginoon at si Muhammad bilang kanyang propeta.

2. Pagdarasal ng limang beses maghapon nang nakaharap sa Mecca, ang banal na lugar para sa Islam.

3. Pagbibigay ng sakat, ang ikasampung bahagi ng kita, para sa mahihirap.

4. Pagtupad sa haj o banal na paglalakbay sa Mecca minsan sa buong buhay ng isang Muslim.

5. Pag – aayuno sa buwan ng Ramadan.

Natutunan din nila ang Arabic o paraan ng pagsulat ng mga Arabe. Ilan pa sa mga impluwensya ng mga Arabe ay ang pagbilang, pagsasalita at pagsulat sa wikang Arabe. Ang salitang sulat, salamat at alamat ay ilan sa mga salitang nagpapakita ng impluwensya ng mga Arabe sa Pilipino.

Impluwensyang Indian

• Pangunahing impluwensyang Indian ay mababakas sa wika ng Pilipino lalo na sa Tagalog at sa paraan ng ating pagsulat. Ilan sa mga salitang Indian na naging bahagi ng ating wika ay diwata, maharlika, pari, lakan, lakambini, saksi, mukha at hari.

• Natutunan ng mga Pilipino ang kultutang Indian sa pamamagitan ng mga Malay na naging tagasunod ng relihiyong Hinduismo. Tinatawag silang mga Hindu. Ang mga Malayong Hindu na ito ay sinasabing duating sa Pilipinas at nanirahan nang permaente sa bansa.

• Sa pamamagitan nila, natutuhan ng mga Pilipino ang paggamit ng belo at sintas kapay may ikinakasal. Natutuhan din nila ang paggamit ng turban at sarong. Impluwensyang Hindu rin ang pagsasayaw ng mga mag-asawang hindi magkakaanak sa mga patron na pinaniniwalaang nakapagbibigay ng anak.

• Natutuhan din natin sa mga Hindu ang sistemang barangay at ang pagsamba kay Bathala, sa mga diyos at diyosa. Gayundin ang mga panitikang may kaugnayan sa epiko ng India. Sa kanila rin galing ang saloobing “bahala na”

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: